Si Jose Protasio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina Ginoong Francisco Mercado at Ginang Teodora Alonzo.
Ang kanyang ina ang naging unang guro niya. Maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna. Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas na karangalan.
Noong 1877, ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng iba’t ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris, France at Heidelberg, Germany.
Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo” naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila.
Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng samahan tinawag ito na “La Liga Filipina.” Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at agricultura.
Noong Hulyo 6, 1892, si Jose Rizal ay nakulong sa Fort Santiago at ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot siya sa mga maysakit at hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng paaralan. Hinikayat din niya ang ito sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran.
Noong Setyembre 3, 1896, habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang siruhano, inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at, sa pangalawang pagkakataon, ikinulong siya sa Fort Santiago.
Noong Disyembre 26, 1896, si Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila.
Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang “Mi Ultimo Adios” (Ang Huling Paalam) upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon na maging makabayan.
Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay Luneta).
YEHEY! my assignment na rin ako
PAREHAS TAYO
haha
Yahoo!!!! Natapos ko na assignment ko!!!!! Wala pang 5 minutes tapos na ako!!!! Thank You!!!!!
Hindi sa knya nkasalalay ang pag angat ng tao sa buhy.. Pagsisikap through CHRIST who strenghten us..
salamat na ginawa niyo po ito
Ngayon ko lang nalaman na ang ama ni Jose Rizal ay may dugong Chino. Mula nang aking pagkabata, tumanim sa aking isipan na ang kanyang angkan ay galing sa Mexico; bunga ng “Galleon Trade”. Natanim rin sa aking isipan kaya may mga Mercado sa probinsiya Pampanga, Laguna Batangas at Kabisayaan dahil sa “Galleon Trade”.
hahaha
Sobrang makakatulong iyan sa edukasyon
sa FORT SANTIAGO po sya muling kinulong hindi po sa FORT BONIFACIO
pinagaaralin namin nyan
Yeyeyeey!!?TAPOS na ANG assignment KO!within 4minutes.Salamat SA http://www.joserizal.com
palagi nating isapuso at gawin habilin sa atin ng pambansang bayani ang pagiging makadiyos,makatao,makakalikasan at makabansa…
Thanks meron na a akong assignment my hero
me 1 hour finish hahahah
Hahahaha meron na sya nc1 good
yieeeee salamat po sa info about sa talambuhay ni rizal may trivia na tuloy ako
kailan po ito ginawa?… need kse ehhh…
May assignment na ko😊Thank you😊
yeh ay report a ako sa oday
lovikaw ang paborito kung bayani
YEHEY! my assignment na rin ako
ANG LAKING TULONG PALA ANG NAITULONG SA ATIN NG ATING PAMBANSANG BAYANI
Ang taas-taas Hindi ko Kaya to
so very beautiful story
salamat tapos na ako sa assignment ko tungkol sa talambuhay ng ating panbansang bayani