Sa Kabataang Pilipino (originally, “A la juventud filipina” in Spanish) was written by Jose Rizal when he was eighteen years old. Rizal dedicated the poem to the Filipino youth whom he described as “the fair hope of my motherland.”
Itaas ang iyong
Malinis na noo
Sa araw na ito,
Kabataang Pilipino!
Igilas mo na rin ang kumikinang mong
Mayamang sanghaya
Magandang pag-asa ng Bayan kong Mutya!
Makapangyarihang wani’y lumilipad,
At binibigyang ka ng muning mataas,
Na maitutulad ng ganap na lakas,
Mabilis na hangin, sa kanyang paglipad,
Malinis na diwa, sa likmuang hangad.
Ikaw ay bumaba
Na taglay ang ilaw
Ng sining at agham
Sa paglalabanan,
Bunying kabataan,
At iyong kalagiun ang gapos mong iyang
Tanikalang bakal na kinatalian
Ng matulain mong waning kinagisnan.
Ikaw na lagi nang pataas nag lipad,
Sa pakpak ng iyong Mayamang pangarap,
Na iyong Makita sa Ilimpong ulap
Ang lalong matamis
Na mag tulaing pinakananais,
Ng higit ang sarap
Kaysa “ambrosia” at “nectar” na awagas
Ng mga bulaklak.
Ikaw na may tinig
Na buhat sa langit,
Kaagaw sa tamis
Na kay Filomenang Malinis na hiomig,
Sa gabing tahimik
Ay pinaparam mo ang sa taong sakit,
Ikaw, na ang batong sukdulan ng tigas
Sa lakas ng iyong diwa’y nagagawad
Ng buhay at gilas,
At ang alaalang makislap
Ay nabibigayan ng kamay mong masikap
Ng buhay na walang masasabing wakes.
At ikaw, na siyang
Sa may iba’t ibang
Balani ni Febong kay Apelas mahal,
Gayundin sa lambong ng katalagahan,
Na siayng sa guhit ng pinsel mong tanga’y
Nakapaglilipat sa kayong alinman;
Hayo na’y tumakbo! Sapagka’t ang banal
Na ningas ng wani’y nais maputungan
Kayong naglalama’y,
At maipamansag ng tambuling tangan,
Saan man humanggan,
Ang ngalan ng tao, sa di matulusang
Lawak ng palibot na nakasasaklaw.
Malwalhating araw,
Ito, Pilipinas, sa lupang tuntungan!
Ang Lumikha’y dapat na pasalamatan,
Dahilan sa kanyang mapagmahal,
Na ikaw’y pahatdan.