A kundiman is a traditional Filipino love song sang by a young man to serenade the woman of his love. The theme of Rizal’s “Kundiman” was his intense love for his Motherland. His words reflected his optimism that the Philippines would be freed from injustice and bondage.
Jose Rizal wrote ‘Kundiman’ in Tagalog on September 12th 1891. For the English translation of this poem, see Kundiman (English Translation).
Tunay ngayong umid yaring dila’t puso
Sinta’y umiilag, tuwa’y lumalayo,
Bayan palibhasa’y lupig at sumuko
Sa kapabayaan ng nagturong puno.
Datapuwa’t muling sisikat ang araw,
Pilit maliligtas ang inaping bayan,
Magbabalik mandin at muling iiral
Ang ngalang Tagalog sa sandaigdigan.
Ibubuhos namin ang dugo’t babaha
Matubos nga lamang ang sa amang lupa
Habang di ninilang panahong tadhana,
Sinta’y tatahimik, iidlip ang nasa.
* Harana painting by Neil Campos, a Filipino artist
Cool. Awesome. Touching. Astig!
Sana may natitira pang kabataan ngayon ang nais ay mabasa ang kasaysayan, ,
Ang kabataan ang pagasa ng bayan,
di man tao literal na sinasakop ng ibang lahi, makikita ang kanilang pag sakop sa pamamagitan ng kanilang mga produkto, tinatangkilik , ang produkto ng iba
Asan ang pagmamahal sa sariling bayan?